May Kinasuhan Na, Pero Nasaan ang Iba?

Dear President Duterte,

Kinasuhan pala ng tax evasion si Taguba at si Kenneth Dong. Resibo.

Mabuti naman. Pero bakit sila lang? Wala po bang lifestyle check din po sa anak niyo? If you really want po talaga na malinis ang pangalan ng pamilya niyo, dapat po ang unang linisin niyo po ang nasa side niyo. Lifestyle check sa mga anak or mas the best you sign the bank waiver po. Patok po yun!

Kasi base sa BIR kaya nila kinasuhan ang dalawa kasi sa sinabi sa hearing. Resibo.

So kung pinapaniwalaan po ng BIR ang testimony ni Taguba, hindi po   dapat paniwalaan din yung iba pa niyang sinabi like yung pagdawit niya sa anak niyo at sa manugang niyo? Resibo.

Wag sana tayong selective po. Kasuhan ang dapat kasuhan. Ke kaibigan o kamag-anak.

Speaking of tax evasion, yung isa niyong propagandista hindi daw nagbabayad ng buwis. Si Thinking Pinoy, base eto sa video ni Contreras. Eto po ang link.

#UsapangPulitikaMiyerkules, 3 January 2018Topic: The lies that RJ Nieto has been telling about me

Posted by Antonio P. Contreras on Wednesday, January 3, 2018

Pakipaimbestiga na rin po sa BIR kung totoo.  Dapat wala kayong kinakampihan. Yan ang tunay na pagbabago.

Yamot sa Madaya,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *