May Kapalpakan din ang DSWD?

Dear Sec. Judy Taguiwalo,

May nagpadala ng sulat kay PAB. Gusto po sana namin magtanong kung totoo ba ang mga isyu na sinasabi sa liham.

1. Totoo po ba

… na pinagiinitan niyo po ang mga permanent employee nung nakaraang administrasyon? Ayun sa liham  “Pag ikaw ay napag-initan dahil ikaw ay nagsilbi sa unang administrasyon bilang tapat na kawani, markado ka at isolated ka po.”

2. Totoo po ba

… na na namimigay kayo ng food packs sa mga kasamahan niyong NPA na hindi naayon sa mandato? Kasi dapat ibigay lamang ito kung may kalamidad. Ayun sa liham,

“Pag gusto ni Sec. Taguiwalo na mamahagi ng food packs sa mga kaalyado niyang komunista, nagpapadala po ng kahon kahon para ipamahagi.”

3. Totoo po ba

… na pinipilit niyo si DSWD Regional Director Mercedita Jabagat na pumirma sa certification na mag-a-accredit ng PASAKA na isang CSO ng DSWD sa Region 11? Ang sabi sa liham,

“Ang nasabing orgnisasyon ng mga IPs ay sila po yung grupon nagpunta sa DSWD Central Office na nag camp out kung saan binigyang nga mga pagkain, food packs, damit at nagpa-party pa sa loob ng kagawaran at ito po ay utos ni Sec. Taguiwalo. Ang mga miyembro nito ay solid po na kaanib ni Sec. Taguiwalo sa komunistang kilusan. Sila rin po ang grupong nag ransacked at nagnakaw ng mga bigas sa loob ng DSWD Field Office XI.
Wala pong assessment na ginanap ang aming mga social workers kundi derecho po binigyan ng mga serbisyo. Para maging lehitimo na mabigyan ng family food packs at iba pang tulong o grants, ay pina rehistro ito as CSO accredited sa Region 11.”

Mga nagnakaw pala to eh, so bakit iaacredit? Pinagbantaan niyo pa daw na ililipat si RD Jabagat sa ibang rehiyon dahil sa hindi pag pirma.

4. Totoo po ba

… na inaangkin niyo ang proyekto na Mechanized Production System na makabagong teknolohiya sa pag re-repack relief goods?

Panahon pa ni Pnoy ang project na to eh.

5. Totoo po ba

… na nagpasok kayo ng consultant na hindi college graduate? Eto daw po ang taong tinutukoy?

Ayun sa sulat,

Consultant na po siya as deputy program manager (DPM) ng ng iang progorama kahit po di graduate.

Wow, manager?  Undergraduate ?

6. Totoo po ba na, si Asec Lorraine Badoy

… ay wala pa pong nagagawa sa kanyang trabahong binigay na tutukan ang 1B drug rehab. Ayun sa liham,

Busy po siya sa kanyang minuminutong posts sa fb pagra-rant sa mga bashers ni Pres Duterte. Kung pumasok sa opisina ay late masyado dahil araw araw bago pumasok sa office ay nasa parlor po siya nagpapa ayos ng kanyang mahabang buhok po. Pina report po sya nung nakaraang execom meeting pero mali mali po ang mga figures na binibigay .”

Aba kung totoo ito, sayang ang pasweldo sa kanya na more than 120,000.00 monthly.

7. Totoo po ba

… na lagi po kayong nagbibigay ng special order at pinapasama niyo ang mga kawani ng agenda sa mga rally?

Ginagamit niyo ang oras ng trabaho para isulong ang maka kaliwang ideologies?  E di wow!

8. Totoo po ba

… na hindi pa rin umuusad ang additional rice subsidy na top-up grant po para sa 4Ps beneficiaries na prinamis ni Pres. Duterte sa kanyang kampanya?

Matagal na po ito. Isang taon na si Duterte,  wala pa rin? #NaDuterte na naman ang mga member ng 4Ps.

9. Totoo po ba

… na magha-hire ang DSWD ng 160 cost of service employees para sa Kumustahan project? ( Ang kumustahan project ay ang pagpupunta ng mga DSWD staff at officials sa mga liblib na lugar sa buong Pilipinas para kumustahin ang mga ang kalagayan ng mahihirap upang mabigyan ng agarang tulong kung nangangailangan)

Ito po daw po ay FRONT lamang sa mga layunin niyo na palakasin ang kanilang makakaliwang hanay sa mga probinsiya.

10. Totoo po ba

… na ang mga  i-ha-hire na 160 cost of service employees ay hindi nire-require ng NBI CLEARANCE? Bakit? Di ba bawal yun?  Ayon sa batas ng civil service, hindi po pwede mag hire ang isang kagawaran o anumang sangay ng gobyerno na ang applicants ay hindi magsusumiti ng NBI CLEARANCE. Natatakot po ba kayo na ang mga ihahire niyo ay mga NPA na may kaso?

Ayun sa pang huling parte ng sulat,

“Kung magpapatuloy po ang ganitong pamamaalakad sa aming ahensiya, malamang po na pagkalipas ng isang taon ay pugad na po kami ng mga rebeldeng empleyado kontra sa gobyerno.
Sana masagot niyo ang mga isyung ito. Kasi kung totoo ito, mas mabuti pang magresign na lang kayo, kasi sayang ang pera ng bayan na pinapasweldo sa inyo.”

Galit sa Mapagpanggap,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *