May Epidemya ng Ubo sa PNP?

Dear PNP,

Di ba malaki ang pondo niyo? Wala man lang kayong budget sa executive check up?

Sa hearing ni Senator Leila Delima halos lahat umuubo ang mga escort niyang pulis. Eto po video from Dexter Cabalza of Inquirer. Resibo.

Halos hindi na marinig ang sinasabi ni Senator Leila oh. Bakit kaya sabay-sabay sila umuubo? Mga bossing, try niyong magpacheck-up baka tuberculosis na yan. Kadiri kayo.

Yang ginagawa niyo, lumang style na yan. Hindi ba kayo nakokonsensiya sa mga pinaggagawa niyo? Dahil ayaw niyong pagsalitain ang senadora, nagdrama kayo na may ubo kayo. Paano kung ituloy yan sa TB, aber. Alalahanin niyo mga bes, ang karma is just around the corner.

Hindi ang lungs ang dapat linisin. Budhi ang mas nararapat suriin. Nakikita niyo ba ang kaibahan ng sitwasyon?

Halos lahat babae ang naka escort, kulang na lang na baliin niyo ang kamay ng tao. Grabe.

Ubo, tapos dahas.

Yamot sa mga Maiitim ang Budhi,

PAB

P.S. Yung sinabi pala ni Senator Leila habang umuubo kayo ay eto:

“Huwag magtiwala sa M.A.D (Marcos, Arroyo, Duterte) triumvirate! Huwag na huwag nating kakalimutan ang mga kasalanan nila sa bayan. Huwag magpauto sa kanila!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *