Bakit may drugs pa din sa Bilibid?

Dear Secretary Aguirre,

Anong petsa na po?  Hindi niyo pa rin nareresolve ang drugs sa Bilibid.  Hindi na po natin puwedeng sisihin ang mga dilawan at si Delima kasi isang taon na po kayong nakaupo as DOJ Secretary.

Pag upo niyo naging mission niyo na sirain si Senator Delima. Mula sa pambabastos sa packa babae niya hanggang sa mga imbentong testigo. Ginawa niyong state witness ang mga drug lord kapalit ng mga perks na binibigay niyo like aircon at kung ano ano pang gamit. Binigyan niyo sila ng immunity kapalit ng mga imbentong kaso.

Nilagay niyo ang SAF to guard the Maximum Security Area. Kasi sabi niyo masusupil ang drugs sa bilibid. Ngayon ayun sa PNP gusto na nilang umalis kasi hindi din pala nasolve ang problema sa drugs proliferation sa Bilibid.

Nilagay niyo nga ang SAF sa maximum security building, tapos nireshuffle niyo naman ang mga drug lord para malipat sa ibang building, di ba parang tanga lang?

Sa pagiging DOJ niyo isa lang ang magaling kayo sa pagkalat ng fake news. Baka ang isa sa mga causes ng hairfall or pagkalagas ng buhok ng tao ay yung mahilig mag share ng fake news at magsinungaling. Remember this? 

Fake news na paniwalang paniwala kayo at talagang nashare mo pa. Tapos yung akusasyun niyo dati kay Senator Bam. Huling huli kayo lumusot pa kayo at press ang sinisi.

Dati akala ko buhok niyo lang ang peke, pati yata discernment niyo fake na din.

Puwede pong magresign kung di kayang gampanan ang trabaho. Mahiya po kayo kahit konti.

Imbyerna sa Kapit Tuko,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *