May Bagong Patawa si Senator Tito Sotto

Dear Senator Tito Sotto,

Pinanindigan mo talaga ang ang pagiging komedyante niyo po no? So eto ang solution mo sa pagsupil ng fake news?  Resibo.

Aber, paano mo gagawin yan sa bilyong nasa facebook hindi pa kasama ang twitter, Instagram at iba pang social media networking site?

At saka kamag -anak ka ni Mark Zuckerberg or  Stockholder ka ng twitter at ang lakas ng loob magsabi ng “mandatory registration”?

Luh sya, mga out of this world ang mga iniisip na solution. Since nasa gobyerno ka na rin naman, una mo munang sawayin ang mga kaalyado mo sa pagpapakalat ng fake news yan ang mga yan ang nang aabuso sa social media.

Binalahura si VP Leni ni Ate Mocha, kumuda ka ba?  Binalahura ni Unthinking Pinoy si Senator Risa Hontiveros, pumiyok ka ba?  Now dahil ikaw ang napuna kaya kahit against na sa Freedom of Expression ipapanukala mo.

Bakit ireregister para mas madaling takutin ng mga DDS na kapartido mo?  Para madaling maharass ang mga taong pumupuna sa administrasyong Duterte?

Mabuti pa ganitong bill ang gawin mo “Anti-Plagiarist Act” or “Anti-Discrimination to Single Parent Act” or Puwede mo ding tawagin na “Wag kang Mang-ano Act”. Ganyan dapat ang mga isipin mong panukala para realistic at true to life.

Mandatory daw, tse! Neknek niyo po!

Yamot sa Laos na Komedyanteng Paepal,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *