May Bagong Drama ang Kampo ni Bongbong Marcos

Dear Bongbong Marcos,

Patawa talaga kayo ng mga minions mo no? Dami niyong drama.

Ngayon binalik niyo na naman ang usapang “square” na issue noong 2016 pa.

Huy, yung square na yan ang nagbabasa ng threshold. Imbento na naman ang minion mo na walang ginawa kung hindi magpahashtag sa twitter.

Ang pathetic pa kasi may kasamang demand. Desperadong magtrending sa kasinungalingan si Kyah.

Pagsabihan mo yan, wala siyang mauuto doon kung hindi ang mga trolls mo.

Di ba sabi mo dinaya ka? Bakit mo pinapatagal ang process. Nagtataka ako sa yo, may kopya ka ng ballot images. Yun ang best evidence kung may dayaan ngang nangyari, pero bakit hindi mo pinapagamit yun sa kaso mo, aber?

Nagfile ng motion ang camp ni VP kasi nga naman bakit pinipigilan mo ang paggamit ng ballot images, aber? Kasi talo ka talaga.

 

Alam naman natin na dati noong manual election pa lang, umaasa lang ang mga protest sa mga balota na tinatambak sa Comelec. Kaya yung iba madaling matamper ang mga balota. Sino nga ba uli ang may kaso ng tampering? Yes, your tsuwariwariwap ang may kaso.

Yung safety feature ng PCOS machine, ay pagpasok ng balota magkakaroon agad ng ballot image at yun sana ang magiging back up incase may magtamper sa balota kasi kinukumpara yan sa live ballots. Kaya kahit pa itamper ang balota, ang best evidence ay ang ballot image.

Pero ikaw nagprotesta INAAYAWAN MONG IPAKITA  ang ballot image, ebidensya mo na yun, beks kung nadaya ka talaga.

Kaso alam namin natin na  you were defeated.

Kaya sabihan mo sa minion mo na si Glen “pahashtag” Chong, na wag desperado, asikasuhin niya na lang election case niya na tampering. Or samahan ka na lang niya bumili ng tawas para sa basa mong kili-kili. Productive pa.

Try again na lang sa 2022, beks!

Natatawa sa mga Imbentong Kasinungalingan,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *