“Matrix” Administration Ni Duterte

Dear President Duterte,

Uy may matrix ka na naman pala. Mukhang nawiwili. Yung dating drug matrix mo dati na kahit patay na sinali mo. Naka manila paper pa.

Tapos yung mga nakalista doon gaya ni Peter Lim, nasa labas pa.

Ngayon eto naman ang matrix.

 

Ang dami mong pangalan na dinamay na naman. At least improving na, hindi Manila Paper or cartolina.

Question, saang puwet ng hayop hinugot ang fake news na to? Yung alalay mo, may hirit pang ganito.

 

 

Luh, pag galing sa presidente paniwalaan agad? Eh kilala po kayong sinungaling eh. Yung bank account ni Trillanes. Yung sinabi niyong video ni Delima, yung matrix niyo ng druglord na yung iba patay na.

 

Puro fake news lahat yun. Tapos sasabihin niyo paniwalaan kayo agad. Nyek.

At saka halata namang imbento ginawa niyo. Tingnan niyo to ha.

 

 

Anong link-link-link-link yan? Para lang kayo nagparafflle ng mga pangalan para ilagay diyan eh. Siguro doon kayo kumuha ng inspiration sa chakang logo ng sea games no?

 

What makes you think na tatanggapin yan ng taong bayan na hindi pinafact-checked?

 

 

Luh, sabi ng mga IT expert na si @OlenFrancisco

“266 is an invalid address. An octet can contain 0-255 only.”

Luh, imbento pala kayo eh. Namulot lang ng numero. At saka sabi pa ni @filipinosg ng Twitter.

“Check mo na din ang ibig sabihin ng DNS server. Hindi pwede gawing pang-link yun. Basta na lang. Hehe. Also, yung uploader IP, they’ll need to ask YouTube to share the IP addr and then ask ISP who used that IP the time it video was uploaded to make a proper link.”

Patawa yang matrix niyo na yan, halatang imbento talaga. Pero in fairness para siyang santan.

 

Mahilig ba kayong maglaro ni Bong Go ng ganito?

 

 

Kasi kamukha ng matrix niyo eh. Eto namang Manila Times, patola agad.

Mr. President, parang sayang naman ang bilyones niyong intelligence fund, tapos imbento lang ang resulta.

Hilig niyo palang mag imbento eh, eh di nag scientist na lang see kayo. Hihihi.

 

Natatawa ng Bongga sa Matrix Kuno,

PAB

P.S. credit sa mga owner ng “resibo”.

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *