Mathematics Naman Daw ang Topic

Dear Mocha Uson and Trolls

Nakakatuwa kayo, talagang you are milking the issue yung pagkakamali sa computation ni VP Leni no?

Samantala ito naman talaga ang totoo sa sinabi niya sa video na inisplice niyo.

10x40x4 yun. Selective hearing ka.

Nireport mo pala sa mga news agency kasi baka akala mo fake news. Beshie naman, iba ang pagkakamali na hindi sinasadya vs. pagkakamali na tulad ng ginagawa mo. Like this oh.

Yan oh, ginamit mo ang maling picture at nagsinungaling ka na ok na ang area, yun pala hindi pala, eh kung napahamak ang mga tao doon?

Maaring nagkamali si VP Leni sa pagcompute pero hindi ibig sabihin nun incompetent na siya. Kasi kung kahinaan Mathematics ang batayan sa pagiging “incompetent”, aba, dapat una sa listahan si Duterte.

110-20 = 80? Aba, matinde hahaha! Mas malala po ito kasi subtraction lang yan ha. Pero besh, hindi lang yan meron pang isa.

Luh, ang average ng 2+4 ay 2? Hong talino ng Poon mo di ba? 😂😂😂 Ngayon kung susundin natin ang baliko niyong logic, sino ang mas incompetent?

Noong nangyari ba ganitong kapalpakan sa Math ng Poon mo, ngumawa ka ba ng ganyan? Yung mga troll mo ba, nangisay gaya ng ginagawa ngayon? Hindi di ba? Kasi double standard kayo.

Don’t us, Mocha. Huwag kaming pinagloloko mo. Arte-arte ngayon, pero noong nakalat si Duterte ng kahinaan sa Math, tahimik?

Yamot sa Mga Ipokritang Palaka,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *