Matapobre Na Hirit ni Diokno sa Mahihirap, Fake News!

Dear Secretary Diokno,

Yung totoo alam niyo ba ang pinagsasabi niyo? Yung mga hirit niyo kasi wala na nga sa hulog, fake news pa.

Sabi niyo ang mga mahihirap hindi nagbabayad ng tax pero nakakakuha ng free education, free healthcare at yung CCT or 4Ps. Fake news po kayo!

Anong tawag mo sa VAT na pinapatong sa mga bilihin? Value Added Tax nga di ba? Kasi tax siya. Yung mga noodles, delata or anumang nabibili sa tindahan ng mga tao, may tax yan. Nagbabayad sila ng buwis sa araw-araw na buhay nila. Kaya kung may free man silang nakukuha dapat lang iprovide ng gobyerno yun.

Ang hirap sa inyo hindi niyo pinag-isipan ang TRAIN na yan. Hindi niyo man lang inisip kung sino ang masasagasaan niyo. Ngayong umaaray ang mga tao, nilalait niyo sila as if utang na loob namin ang serbisyong binibigay niyo, eh galing naman sa tax namin yan.

Nanlait ka na nga, fake news pa! Tse!

Yamot sa Matapobre,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *