Hirap ba Lunukin ang Pride, Asec. Badoy?

Dear Assistant Secretary Lorraine Badoy,

Kumusta po ang budget hearing ng DSWD kahapon po?  Mukhang naantala na naman po dahil daw po sa inyo.

Eto po ang sulat kay PAB ng isang taga DSWD.

“Fresh from the oven. Schedule ngayon ng budget plenary session ng DSWD. Di masalang ang DSWD at naghihintay pa rin hanggang ngayon dahil sa kagagawan ni Asec. Badoy. Dahil hindi niya ginawa ang public apology sa FB niya nung  tinawag nyang mga baboy ang mga kongresista sa FB post niya, hinanap siya ng tatlong Kongresista para kausapin ngunit wala po siya at di sumipot. Hangga’t di naayos itong problemang ginawa ni Asec Badoy, hindi po sinasalang ang DSWD Plenary Budget Session. Hay…

Ang mga pinapagawa sa kanya ay: mag public apology sa FB niya at pagpadala ng apology letter sa lahat ng mga congressmen (hard copy at received ang duplicate).

Nakakaawa na po ang mga kawani pati ang mga regional directors na nag travel pa mula sa kani kanilang mga regions na nakatayo ng ilang oras sa labas ng session hall ng ilang oras na po. Schedule dapat ay 10am pero hanggang ngayonng oras na ito nakatayo pa rin sa labas.”

Mukhang maantala pa ang serbisyo ng DSWD dahil lang sa mga post mo sa Facebook. Maawa ka naman, maraming taong nadadamay na.

Kung bakit naman kasi binalahura mo ang mga Congressmen sa post mo sa Facebook. Ayan tuloy. Magsorry ka na para maibigay na ang budget sa DSWD, kawawa ang mga tao.

Mirisi ng Slight,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *