Masamang Balita

Dear KaPAB,

Malapit na ang pasko, mukhang mababawasan na naman ang pambili niyo ng puto bumbong at bibingka sa simbang gabi.

Pinirmahan na ang pagtaas ng flag down rate sa mga taxi pati ang per kilometer na pamasahe . Resibo.

Tinaas na ang flag down, tinaas pa ang pamasahe per kilometro at per minuto.

Hindi rin naman natin masisisi ang mga taxi driver, kasi tumataas na ang presyo ng  gasolina dahil sa mababang value ng peso compared to dollars.

Yan talaga ang epekto pag druga, druga at druga lang ang bukambibig.  Medyo madilim ang ekonomiya natin sa mga susunod na taon.

Please remember hindi pa sinasabatas ang excise tax. Pag nagkataon magsisitaasan lahat ng bilihin.

Kapit mga kapatid habang ang iba nagbubulag -bulagan pa din at sumisigaw ng “Salamat Tatay Digong!”

Nalulungkot para sa Pilipinas,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *