Masaklap Na Kwento Ng Pulitika sa Bansa

Dear KaPAB,

Eto ang masaklap na kwento ng pulitika sa atin.

Juan Ponce Enrile

 

Nakasuhan ng plunder, pansamantalang nakalaya for humanitarian reason kasi daw matanda at mahina na. Pero muling tatakbo para sa senado. Para ano, para mainvolve uli sa kasong plunder?

 

Bong Revilla

 

Nakasuhan ng plunder, napawalang sala, pero yung assistant convicted. Pinasauli ang pera, ayaw isoli. May kaso pa ding graft, ngayon tatakbo uli sa senado para daw makaganti sa mga nagkaso sa kanya. Iboboto niyo pa ba ito? Para masangkot uli sa pagnanakaw sa kaban ng bayan?

 

Jinggoy Estrada

Panglawang cycle na ito ng plunder case. Pinalabas, hinayaan magpiyansa, ngayon travel-travel na lang habang yung 180 million na perang sangkot mukhang makakalimutan na ng taong bayan. Kakandidato uli? Para ano? Plunder uli?

Bayan ko, gumising na. Nasa mga kamay niyo ang kinabukasan ng bayan mo.

Huwag na muling magpauto.

 

Yamot sa Mandarambong,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *