Masakit na Alaala Mula sa mga Marcos

Dear KaPAB,

Kahapon muli nadaya na naman ng P51,000,000,000.00 ang mga Pilipino.

Sa mga taong nagsasabing walang ninakaw ang mga Marcos, let us refresh our memory.

After the EDSA People Power Revolution in 1986, Ferdinand Marcos and his family fled to Hawaii in a United States Air Force C-130.

Pagdating nila sa Hickam Air Force Base in Hawaii, the Marcos family filled out an official Customs list of their “household effects.”

Hindi ito fake news kasi si Caroline Kennedy the journalist mismo ang nagsulat sa libro niyang “The Marcoses and the Missing Filipino Millions,” . Habang binabasa niya ang listahan ng mga bitbit ng mga Marcoses talagang namangha siya, she said “reads like pure fantasy.”

Ganito po karami ang ninakaw sa atin. Wala pa diyan ang mga nasa swiss bank. Please take note, kung sa 80s pa ito. Gaano kalaki ang ninakaw ng mga Marcos? Resibo.

1. Baul baul na pera worth $717,000,000.00. Dollars to ha, dollars.

2. 300 na baul ng mga alahas.

3. $4,000,000.00 worth na mga brilyante at mamahaling bato na tinago sa pampers.

4. $7,700,000.00 na alahas na may kasama pang korona na punong puno ng brilyante.

5. 65 na cartier watch.

6. 12×4 ft na kahon na punong puno ng perlas.

7. May estatwa na yari sa ginto, na pinapalamutian ng mga mahahaling bato at diamonds.

8. $200,000 worth of gold bullion

9. Deposit slips to bank sa US, Cayman Island at Switzerland worth $129,000,000.

Isipin niyo kung ganito karami ang ninakaw nila, sa tingin niyo ganito tayo kahirap ngayon? Iniwan tayo ng mga Marcos na may bilyong bilyong utang. Resibo.

28 billion, na hanngang sa 2025 babayaran pa din natin.

Pero ang masakit, walang pagsisisi ang pamilyang ito. Kasi kung sincere si Bongbong Marcos sa pagsisilbi sa bayan, bakit hindi niya ibalik ang perang ninakaw at panagutan ng pamilya niya ang ginawa nila sa bansa?

Marami pa ang dapat bawiin, pero ang administrasyon ni Duterte ay binuwag ang PCGG na ang trabaho ay pagbawi sa mga ninakaw ng mga Marcos. Sino ba ang mahalaga, ang mga Marcos o ang taong bayan?

Sabi sa libro ni Kennedy, the dictator’s wife Imelda Marcos has done everything — including lie and bribe — to obscure the true nature of their assets.

At ang kapal pa ng mukha ni Imelda at sinabi niya to.

“If you know how rich you are, you aren’t rich,” Kennedy quotes the former first lady saying, “I have no idea how rich I am!”

Hoy, pera namin yan! Ibalik niyo sa amin yan!

Wag sana tayong makakalimot. Ninakawan tayo, pinatay nila ang ating mga kababayan.

Ngayon patuloy pa rin tayong ninakawan at pinapatay pa din ang ating mga kababayan, pero iba naman ang traydor sa istoryang ito.

Gising Pilipinas, gising! Nasadlak na sa dusa ang bayan mo.

Lumalaban sa Diktaturya,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *