Martin “Pinocchio” Andanar

Dear Secretary Martin Andanar,

Hindi na ako magtataka kung bakit nauuso ang fake news sa panahon ni Duterte. You said this.

Sabi mo isa sa mga promise ni Duterte na natupad is to lower poverty incidence. Luh, sinungaling ka, yung data na ginamit mo ay last 2015 pa. Si PNoy po ang Presidente noon. Resibo.

At saka kailan naging pro poor ang Tax Reform Law? Oo nga yung nasa workforce maeexempts sa pagbayad ng buwis, pero paano naman ang mga mahirap na wala sa workforce? Ang mga senior citizen? Lahat sila papasanin ang bigat ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Fake news ang info na gamit mo.

Then you mentioned corruption. Resibo.

Dismissing officials na corrupt? But you are rehiring them again. Remember Diño with 16 bodyguards? Resibo.

Duterte, just rehired him. Resibo.

So, wag mong ipagmalaki sa amin yung campaigned against corruption na yan. Let me give you names, Faeldon, nakabalik sa trabaho. GMA nakalabas. Jinggoy Estrada nakalabas. Yung anak ni Napoles naabswelto. Ang haba ng listahan po kaya. Kaya yang statement mo fake news na naman.

Pinagmamalaki mo ang crime and peace and order? Hindi mo sinama sa stats mo ang patayan. Libo libo na ang pinapatay paano mo masasabing bumaba ang crime rate? Fake news uli.

War against drugs? Luh, hindi na ako lalayo, nasaan na ang 6.4 bilyon na shabu?

Next time kung magbibigay po kayo ng statement make it sure it is back up by a true data, hindi fake. Wag OJT kasi ang pagkuhanin mo ng data, yung mga researcher talaga. Grabe sya oh.

Gigil sa Fake News,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *