Martial Law na ba?

Dear President Duterte,

Ibang klase ang pagiging vindictive niyo po no? Mula kay Secretary Leila, CJ Sereno ngayon naman mga media entities. Inuna niyo ang Inquirer sa paggipit, ngayon naman ang Rappler. Resibo.

Talagang hindi niyo tinigilan ang Rappler ha. Kung gusto niyo na pinupuri lang kayo lagi, ang basahin niyo ang mga trolls niyong propagandista. Hindi obligasyon ng mga media entities na sumipsip sa inyo or bolahin kayo. Obligasyon nila na ireport ang totoo, pangit man o maganda.

Kung sa tingin mo, magagaya mo si Marcos, wag kami. Malapit nang mapuno ang taong bayan. Naranasan na ito before noong panahon ng Martial Law.

Kalayaan sa pamamahayag ang pinag uusapan dito. Wag kang diktador! Wala ka pang dalawang taon, sobrang pahirap mo sa taong bayan. Kung ayaw mong mapuna, magtrabaho ka ng tama!

Ang pagyurak sa freedom of expression sa mga mamamahayag ay isang pagsalaula sa karapatan ng bayan magpahayag.

Wala kang konsensya. Sana kausapin ka na ng Diyos, baka sakaling malinawan ang pag iisip mo at tuluyang mawala ang problemang dala mo.

Magdadasal ng Taimtim Na Sana Bilisan ang Pagkausap ng Diyos,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *