Maria Ressa, Matapang Na Lumalaban

Dear President Duterte,

Pag babae ang pumupuna sa inyo para kayong manok na di mapa-ihi hanggang hindi ka nakakaganti.

Sinimulan mo sa imbentong kaso kay Delima, sinundan mo ng Quo Warranto kay Sereno tapos ngayon naman ang Rappler through Maria Ressa.

Alam naman natin na ang kinakagalit mo ay ang pagreport ng Rappler sa katotohanan ng War on Drugs. Pinag-iinitan mo sila, kaya pati matalinong pagtanong ni Pia Ranada, apektado ka.

Or baka naman paraan din ito para makaganti ni Calida kasi nireport yung mga kontrata ng kanyang security agency? Ang Rappler ang nagreport noon di ba?

Una, gusto mong ipatigil ang operation. Pero hindi kayo nagtagumpay, humihinga at bumubuga pa din ang Rappler ng katotohanan sa araw-araw.

Pangalawa, may tax case na naman kayong ginawang kaso. Talagang naghalukay kayo to put Rappler down.

Nakikita niyo po ba ang irony sa ginagawa niyo? Binigyan ng BIR ang Rappler ng award.

Those included in the list are either considered as large taxpayers, the top 20,000 private corporations, or the top 5,000 individual taxpayers.

Tapos ngayon kakasuhan niyo ng tax evasion?

Napaghahalata ang maitim niyong balak.

You want to kill dissent. Rappler is not a propagandist. Huwag kayong mag expect na purihin kayo kahit mali ang ginagawa niyo. They are there to report facts at hindi para sumipsip sa inyo. Kaya huwag kayong ano.

Ang laban ni Maria Ressa ay laban ng bawat Pilipinong may karapatan magpahayag. Sa madaling salita, laban namin lahat to.

Magtagumpay ka man sa maitim mong balak, pero may uusbong at uusbong pa din na panibagong Rappler na magsasalita at magpapahayag ng katotohanan.

Naniniwala ako na papanig pa din ang batas kay Maria Ressa, gaya ng pagpanig ng batas kay Senator Trillanes.

Sa ngayon hanggang matapos ang laban, I..

Hanggang sa “finals”, boses ng masang Pilipino ang mananaig.

 

Yamot sa Maitim ang Budhi,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *