Marcos Talunan!

Dear KaPAB,

Eto ang desisyon ng PET.

Sa dissenting opinion ni Associate Justice Caguiao, napatunayan na tama ang report na nilabas ng kampo ni VP Leni Robredo. Na mas tumaas pa ang lamang niya kay Bongbong Marcos.

 

Caguioa insisted on dismissing election protest following Rule 65 of PET Rules.  Oo nga naman since talo sa pilot province bakit hindi pa idismiss di ba?

 

Kahit si Ex Associate Justice Carpio Senior also insists on dismissing election protest under Rule 65. He opposes Marcos’ move to go to 3rd cause of action because pilot provinces must not be more than 3.

Pinapili sila BBM ng 3 pilot province na sa tingin niya dinaya siya. Pag lumabas sa recount na dinaya nga siya, ipagpapatuloy ang recount sa ibang province. Eh pagkatapos ng recount ng tatlong province napatunayan na mas lumamang pa ng 15,000 votes si VP Leni Robredo?

 

Lumabas na din ang totoo. Talo nga si BBM. Ilang beses ba kailangan bang talunin si BBM para matanggap niya na talo na siya?

Move on din dapat, di ba?

Yamot Sa Mga Nanggugulo,

PAB