Gordon : Marawi, gawing Tourism Hub

Dear Senator Gordon,

Balita ko po gusto niyong gawing Tourism hub ang Marawi? Sa gitna ng patayan at bakbakan eto po talaga ang naisip niyong solusyon?

Mga taong namamatay sa gutom sa Marawi, Tourism Hub ang naisip niyo?  Hindi po kaya medyo insensitive po ang plano niyo sa ngayon?  People are dying. Yung iba dahon na ang kinakain para mabuhay lang, tapos tourism hub?

Senator Gordon, naging chairman kayo ng Red Cross, higit kaninuman kayo ang nakakaalam sa nangyayari sa kanila. Alam niyo na ang tourism hub na plano niyo ay hindi ang pangunahing solution.

They need food, they need shelter and livelihood para makapagsimula silang muli. Hindi pa nga tapos ang labanan hanggang ngayon. Check these devastation.

Tingnan mo ang hirap sa sitwasyon nila.

Sana man lang maging sensitive kayo sa pinagdadaanan nila. Bago kayo magplano ng Tourism hub, ayusin niyo muna ang peace and order. Bago kayo magplano ng Tourism hub, ayusin niyo muna ang tirahan nila at hanapbuhay.

Sana lang ang solution na naiisip niyo ay yung appropriate sa sitwasyon nila.

Inis sa Insensitive,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *