Akala ko ba Mapaparusahan ang May Kasalanan?

Dear General Bato,

May ipapaalala lang po ako sa inyo ha. Naalala niyo po ba si Zenaida Luz na taga Mindoro? Yung pinatay ng mga pulis na riding in tandem? Resibo.

Ngayon kababasa ko lang po, nakabalik na naman pala sila sa serbisyo. Resibo.

Binalik niyo sa serbisyo, tapos binalik niyo din po sweldo nila. Pinapaalala ko lang po ha, pulis ang humuli sa dalawamg pulis na pumatay, hindi po ba isang kaso ito ng Extrajudicial Killing?

Akala ko ba hindi niyo siya kukunsintihin? Pag napagsasabihan kayo, iiyak na naman kayo tapos ganito ang ginagawa niyo? Resibo.

Lumuha man kayo ng graba at bato di niyo na maibabalik ang buhay ni Aling Zenaida.

Sana po tubuan kayo ng konsensya.

Yamot sa Wala na ngang Buhok, Wala pang Puso,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *