Mapanirang Assec. Mocha

Dear Assec. Mocha,

Ano ba ang problema niyo kay Senator Bam at pinagtutulungan niyo ng mga minion niyo. You posted this.

Wala namang masama sa sinabi niya kung mabigyan ng halaga ang mga nagtatrabaho sa BPO di ba?

Either hindi ka nagbabasa or mema ka lang. Pero discuss ko na rin sa yo, kawawa ka naman.

Artificial Intelligence vs. BPO

Artificial intelligence and robots are currently best suited for  repetitive work with several rules, work that is currently outsourced to BPO companies.

Ibig sabihin ang trabaho sana na para sa tao maari nilang matransfer sa mga robot. Hindi po ba tama naman na pagtuunan ito ng pansin? Mabigyan ng alternatibong solution? So anong mema doon?

TRAIN vs. BPO

Binasa mo ba ang TRAIN LAW? For sure hindi. Isa sa mga epekto ng TRAIN LAW ay ang tax incentives na binibigay ng Pinas sa mga BPO company. Bukod sa magagaling tayong workers, maganda din ang tax incentives na binibigay. Dahil sa TRAIN tatanggalin yun. Paano kung lumipat sila sa India dahil doon? Hindi mema si Senator Bam. Tamad ka lang magbasa at hirap umintindi.

Ang hirap sa iyo, kahit nagtatrabaho ng matino ang tao, sobra kang makapanira. Yan ba ang trabaho mo?

Bakit mo sisiraan ang mambabatas na walang hinangad kung hindi matulungan ang BPO sector na kung saan kasama kaming mga call center agents?

Ikaw ang mema. Buti na lang hindi ka nag enroll sa law school, kasi bawal doon ang tamad magbasa. Tse!

Yamot sa Tamad,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *