Maniniwala ba Tayo kay Secretary Cayetano?

Dear Secretary Cayetano,

Ilang oras niyo pong pinag isipan tong palusot niyo sa pagkalas ni Duterte sa ICC?

Sabi mo kaya kumalas kasi para sa pulis at sundalo?

Luh, grabe sya. Ginamit mo pa sa kaduwagan ng Poon mo ang mga sundalo no?

Sino ba ang kinasuhan sa ICC? Hindi ba kayo nila Duterte at ilang kapulisan na umabuso sa katungkulan? Bakit niyo idadamay ang buong kapulisan, aber? Para palabasin na bayani si Duterte? Nyek, ikwento mo yan sa pagong. 🐢🐢🐢.

Anong nangyari sa inyo, Ser? Parang nilukuban ka ng masamang ispiritu. Lahat ng pinaglaban ng Tatay mo noon, ay nabalewala sa iyo ngayon.

Alam mo kawawa ka, kasi kasama ka pala sa kakasuhan no?

Si Duterte matanda na. Anytime baka kunin na yan dito sa lupa. Ikaw, bata pa at yung mga kasamahan mo, for sure magiging kakosa mo sila sa Hague pag nagkataon.

Hala ka, lagot ka.

Naghihintay sa Karma,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *