Mangingisda sa Panatag Shoal Kinawawa

Dear Secretary Cayetano,

Habang nagkakagulo sa Marawi at Luzon ang mga Chinese coastguard ay may ibang strategy na ngayon.  Kung dati tinataboy lang sila, ngayon ninanakawan pa.

Ayon sa isang mangingisda na taga Pangasinan,

“Lugi kami sa biyahe, wala na man lang pambili ng school supplies para sa mga anak namin. Sumampa ang mga Chinese Coast Guard at kinuha lahat ang mga malalaki at mamahaling isda iniwan lang ang third class na maliliit. Wala man lang coast guard natin na tumulong sa amin, wala sila doon sabi cooperate na sila sa China.”

Yung totoo, sarili nating teritoryo, tayo pa ang kinakawawa? Baka gusto mong sumulat sa embassy ng China, Secretary Cayetano?  Gawin mo naman ang trabaho mo, lagi ka lang kasi nakabuntot sa Presidente. DFA Secretary po kayo ng Pilipinas ha, hindi po kayo tuta ng China.

Ipagtanggol mo naman ang mga Pilipinong mangingisda!

Naiinis sa Duwag,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *