Mangingisda Kinawawa ng mga Chinese Coastguard

Dear President Duterte,

Sobrang tapang niyo po sa mga babae di ba? Pinagmumura niyo pa nga ang iba’t ibang lider ng bansa. Pati simbahang Katoliko hindi niyo pinatawad. Ngayon niyo po ilabas ang tapang niyo, Ser.

Inaapi ang mga mangingisda ng Pilipino sa sarili nating teritoryo, baka naman gusto niyo silang ipagtanggol? Baka naman gusto mong pag sabihan si Cayetano na magfile ng diplomatic note?

Pinaghirapan  nilang kuhang isda, dinekwat lang ng mga coastguard ng bff mong China, kung talagang may malasakit ka, pumalag ka naman para sa mga Pilipino.  Hindi naman from China ang bumoto na 16 milyon sa yo eh. Baka naman gusto mo silang ipagtanggol.

Si Cayetano naman ang amo din yata ang China, kasi puso lang ang gustong ibigay habang sinasakop na teritoryo natin.

Joker ba kayo? Pinagloloko niyo ang mga Pilipino. Mga duwag! Tse!

Yamot sa Duwag na Manloloko,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *