Man of The Hour: Mar Roxas

Dear KaPAB,

Lumabas ang survey at nakakalungkot kasi wala na daw si Mar Roxas sa top 12. Bakit nga ba?

Oo nga pala, they sent the President para kutyain si Mar Roxas.

 

 

Nakita kasi nilang pasok sa survey si Mar Roxas. Kaya binalik ang issue ng walang kamatayang Yolanda Funds. Sa mga trolls, nagkaroon ng Operation na si Mar ang target. Ginawa na nila ito noong 2016. Huwag na nating payagan na mangyari ito uli.

Ang iba ayaw Iboto si Mar kasi nagpapanggap lang. Mali po kayo, ganun po talaga siya, laging handang tumulong kahit pa maaksidente pa sa motor, basta mapaabot lang ang tulong sa mamamayan.

May kuwento akong ishare. Noong kasagsagan ng campaign noong 2016. Laging sinisiguro ni Mar noon kung nakakain na ba mga volunteers needed bago siya kakain. He is really a man for others. Bayan muna bago sarili.

 

Ang importante sa kanya ang kapakanan ng taong bayan. Noong senador pa siya, hanggang maging DILG Secretary.

Saan ka makakita ng isang tao na kinayang magsilbi sa dalawang administration? Kasi ang pagsisilbi ay walang kulay at ang pagiging loyal ay dapat sa taong bayan.

 

 

May chance tayo ngayon na baguhin ang kwento ng ating bansa. Sa taas ng bilihin ngayon, kailangan maipanalo natin si Mar Roxas at ang buong Otso Diretso. Kailangan natin ng ekonomista sa Senado.

 

 

Huwag hayaan na masira pa ng fake news ang kinabukasan ng bayan. Sabay nating muling iangat ang estado ng bansa sa pamamagitan ng pagboto ng tama sa Mayo 13.

 

 

Isang Supporter Mula Noong Hanggang Ngayon,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *