Mali po Kayo, Senator JV Ejercito

Dear Senator JV Ejercito,

Nung napirmahan ni President Duterte ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, which is Sponsored and Co-Authored by Senator Bam Aquino, nagpalabas kayo ng statement.  Sabi niyo po.

Sabi niyo po, “As one of the Principal Author  of the Free Higher Education for All…”. Mali po kayo dito, kasi po ang Principal Author ay kung sino ang nagfile at hindi po kayo yun. Si Senator Ralph Recto ang nagfile at the rest of you ay mga co-author lang. There can only be one Principal Author. Tapos nung kinorrect po kayo ng isang netizen para gumamit ng tamang term eto pa po ang sinagot niyo.

Luh sya ang sagot “Whatever“. Sir importante malaman ng taong bayan kung ano ang role ng bawat mambabatas sa pagsabatas ng mga filed bill.

Halimbawa si Senator Bam Aquino, siya ang Principal Sponsor kasi sya ang Chairman ng Educ Committee that time. Siya yung nagtrabaho and nag push ng senate hearings, nag defend sa bill during interpellations at sya din po ang sa sponsorship speech, etc.

Ang siste pa pinagsabihan na nga po kayo na mali ang ginamit niyong term kasi role yan ni Senator Ralph Recto, nagpagawa pa kayo ng meme!!

Principal author pa din. Hala sya ayaw papigil oh. Mahiya po tayo kay Senator Recto, inaagawan niyo po siya ng papel.

Wag ganun, Sir. Itama ang mali. Wag credit grabber.

Yamot sa Mapapel,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *