Mali po kayo, Secretary Abella?

Dear Secretary and Pastor Abella,

Paano niyo po nasasabi to na hindi natatakot sa Diyos.

Happily isolated?  Kung na misquote man kayo, still mali pa din po to call it isolated. This is not the first time na may namatay na mga minors. Ang iba pa nga baby pa eh. Let me jog your memory.

Eto po si Althea Fhem Barbon. She and her father, Alrick, were gunned down by police on their way to the park. Althea was 5 years old.

Gaya ng kay Kian, ginawan niyo din to ng kwento to justify the killings. The police claimed Alrick is a “drug suspect”. They added that Alrick used Althea as a “shield” during the shootout.

Eto po si  Francisco Manosca, 5 years old, binaril ang Tatay niya  by unknown assailants in their home in Pasay ten days before Christmas.

His father, a tokhang surrenderee, peeped at the window when the gunmen knocked.They pumped 5 bullets into him. Tinamaan ng ligaw na bala si Francisco.

 

Siya po si Danica Garcia, tinamaan ng ligaw na bala habang pinapaliguan ng Nanay niya.

Nilibing sya sa gitna ng ulan at baha. Walang nakiramay sa kanila na mga taga gobyerno.

Pinabaunan sya ng Lola niya ng mga paboritong laruan at mga tsitsiria kasi daw wala noon sa langit. Five years old lang po siya  Secretary Abella.

Siya po si Sanino Butucan, seven years old, namatay sa ligaw na bala from masked gunmen shooting at a drug suspect running on their street. Nag aalaga po sya ng kapatid niya nung binaril siya. Nakilala ng ama niyang si Wilson ang ang isang bumaril, kaya naman after 3 months pinatay din si Wilson.

Althea, Francisco, Danica, & Sanino ang mga batang tinanggalan ng karapatan mabuhay nang dahil sa hindi tamang proseso sa war on drugs na yan.

At ngayon si Kian naman.

Paano mo masasabing isolated pa din sya, Secretary Abella? Hindi niyo na po maloloko ang mga tao, Pastor Abella.

Wala po kayong awa. As a pastor, alam niyo po na may pananagutan na kayo sa Diyos.

Galit sa mga Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *