Malapit Nang Buminggo si Ate Girl

Dear Ate Mocha,

Pangatlong araw na to, pangatlong kapalpakan. You sent this letter to Secretary Martin Andanar, boss mo to ha. Resibo.

Una, inutusan mo ang boss mo na maghanap ng papeles for you. Luh, grabe sya oh. Di ba may trolls ka, este staff pala, bakit hindi kayo magresearch.

Pangalawa, inutusan mo uli ang boss mo na maghanap ng documents. Atiii, ang lakas mo kay Kuya Martin ha, ginawa mong researcher mo at tagahanap ng dokumento na tutulong sa mga pinag ngangawa mo against sa MPC. Siguro payborit ka niya no?

Alin part sa resibo na to ang di mo naintindihan.

Teh, independent sila and they are governed by laws in accordance with the constitutional provision. Magbasa ng constitution bago kumuda.

Pero sa pangatlong order mo, dito talaga ako napatawa.

“Copies of the Securities and Exchange Commision on the MPC’s registration”?

Luh sya, kaya pala yung una mong sulat tinawag mo silang “Malacañang Press Corp”, kasi ang akala mo Corporation sila? Resibo.

Kaya mo hinihingian mo sila ng SEC registration? 😂😂😂

Ay sorry kung maraming pula. Tinulungan ka ni Prof Arao na mag edit. Daming mali daw po. Pasalamatan mo sya ha, pag nakita mo. Libre edit yan.

Ate Girl, buti na lang hindi “Malacañang Press Corpse” ang nasabi mo no? Kasi pag nagkataon death certificate ang ipapahanap mo kay Secretary Martin Andanar.

Tama na ha, wag naman isang linggong kapalpakan. Kakasuya na.

Yamot sa Feelingerang Frog,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *