Malacañang Nandamay na Naman

Dear President Duterte,

Hindi ko alam kung matatawa ako or maiinis sa mga pinagsasabi niyo tungkol sa ICC. Sinisi mo na ang lahat, si Trillanes, mga Dilawan ngayon naman si Ms. Loida Lewis.

Bakit? Si Ms. Lewis ba ang nag utos sa mga pulis na pumatay? Di ba ikaw? Siya ba ang nagpromote sa mga pulis na nakagawa ng kasalanan, di ba ikaw? Siya ba ang nagsabi na “good job” nung may one time big time tokhang sa Bulacan, di ba ikaw?

20,000 unexplained homicide na, walang pulis na naparusahan. Yung iba napromote pa at nabigyan ng award. Ikaw lahat ang gumawa niyan, tapos ngayong kinasuhan ka, isisisi mo kung sinong Poncio Pilato? Luh, grabe sya oh.

Ngayon, eto hinamon ka ni Ms. Lewis. Ilabas mo daw yung pinagsasabi mong recording. Nagwawiretap ka pala ha. Kahit illegal kumakapit ka. Ayan oh, hinamon ka na naman ng isang babae.

Ano na? Tatanggapin mo ang hamon o sasabihin mo na naman na imbento lang lahat gaya ng ginawa mo sa imbentong bank account ni Senator Trillanes.

Pinagloloko niyo lang po ang taong bayan. Kung matapang ka, harapin mo ang kaso mo. Hindi yung mga nananahimik sa ibang bansa, dinadamay mo. Tse!

Fake News ka na naman, Mr. President.

Yamot sa Duwag na Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *