Malabong Kwento sa Pagsibak Kay Wanda Teo

Dear President Duterte,

Nagising ako sa good news na sinibak mo na daw si Wanda Teo.

Good news to. Pero baka naman ilipat mo lang siya sa ibang opisina gaya ng ginawa mo sa iba. Pero hindi dapat matatapos sa pagsibak, dapat may managot sa pagwaldas sa pera ng bayan. Pero nalilito ako kung tinanggal mo na ba talaga, kasi sabi ni Atty. Topacio, wala ka namang sinabi na pinagreresign mo.

Ano ba talaga ang totoo, beshie? In or out? Laban or bawi? At since nandiyan ka na din naman puwede pakicall out na lang din itong reversible jacket na milyones ang pondo na pinapabid ni Kay de Castro.

Madami ng pagkain para sa street children ang mabibili niyan. Yung iba natutulog sa kalsada na walang saplot, sana itama ang priority.

Balitaan mo na lang kami kung sinibak mo na ba talaga ha. Baka naman fake news lang. 🙄🙄🙄

Yamot sa Malabong Balita,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *