Makabuluhang Bill Ni Bam, Sinira ng Fake news

Dear KaPAB,

Napansin niyo ang mga DDS trolls na tinawag si Senator Bam na “Boy Pagpag”? Eto ay isang klase ng fake news, na pinilit sirain ang isang magandang layunin.

Si Senator Bam ay may bill na ZERO FOOD WASTE BILL noong 2017. Ang main purpose nito ay magkaroon sana ng FOOD BANK para tumulong sa mga food charity ng bansa.

Pero ang ginawa ng mga DDS bloggers at trolls pinalabas nila na “pagpag” daw ang gustong ipakain sa mga tao. Kaya tinawag nilang Boy Pagpag.

 

Pero ang totoo sobrang malaking tulong sana itong bill ni Senator Bam, kasi kahit papano makakatulong sa mga kapatid natin sa lansangan na walang makain.

 

 

Kasi ang totoo, maraming mga restaurant na merong “unserve” food na tinatapon na lang pag magsasara na sila. Ibig sabihin nito mga malinis na pagkain na puwede sanang pakinabangan kung meron tayong FOOD BANK. Hindi na kailangan kumain ng ating mga kababayan ng “Pagpag” or mga pagkain na tinatapon sa basurahan, instead they can just go to Food Bank.

Pero dahil sa mga trolls nasira ang isang napakahalagang bill na makakatulong sana sa ating mga kababayan.

Ganito ang epekto ng fake news sa bayan natin.

Sa dami ng paninira kay Senator Bam, hindi siya sumuko Sa loob ng 6 years niya sa Senado, hulaan niyo kung ilan na ang mga bills ni Senator Bam na naging batas at nakakatulong sa ating bayan ngayon?

Kasama dun yung RA 10931, Yung libreng college education sa mga kabataaan.

Tama ang kasabihan. “You can never put a good man down”.

Nararapat lang na ibalik siya sa Senado. Masipag, hindi corrupt at higit sa lahat may malasakit sa bayan.

 

Isang Supporter,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *