Puwede ba Magboxing ka na lang?

Dear Senator Pacquiao,

Yung participation niyo sa hearing kanina ay isang pagpapatunay na sayang ang mga boto na binigay sa yo ng taong bayan.

Sabi niyo po, hindi porke’t may picture kayo nung tao, alam mo na yung mga transaction niya. So tong picture na to noon ay ibig sabihin wala kayong “transaction” ni Krista Ranillo? Ganun ba?

Ikwento niyo yan sa pagong ha. Baka may maniwala.

Pag si Delima may kasamang pic ng suspected drug lord  protector agad? Pero pag si Paolo Duterte na may sangkaterbang picture na kasama ang mga suspected na sikat na mga drug lord, hindi alam ang transactions? Wow ang biased mo din po.

Kitang kita talaga ang pagiging tuta niyo po kay Duterte no? May Bible verses ka pang nalalaman, pero isa ka sa nagpatigil sa EJK investigation last year. Tse!

Multuhin ka sana ng mga namatay, lalo na ang mga kabataan na nadamay.

Abutin ka sana ng karma sa mga susunod mo pang laban.

Yamot sa Banal na Aso,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *