Madilim na Ekonomiya

Dear President Duterte,

Alam na ng buong bayan na hindi pinag aralan ang indirect effect ng TRAIN sa inflation. Inamin mismo ito ng Department of Finance na pinapamunuan ni Dominguez.

At si Diokno naman kahit hirap na ang taong bayan, sinok lang daw ang nangyayari.

Eto naman si Harry Roque iba naman ang hirit.

Normal lang daw. Kailan pa naging normal eh highest in 9-10 years?

Yung peso natin ang baba na Ng value.

Tapos papasok pa ang TRAIN 2. Kung saan maaring tumaas pa lalo ang kuryente at mga bilihin. Ang mga mahihirap na naman ang magsasuffer.

Subukan niyo pong mamalengke. Para malaman niyo ang hirap Ng taong bayan.

Hindi naman yata the best and the brightest ang nilagay niyo sa gabinete eh.

You should fire your economic team. Simulan mo kay Dominguez then isunod mo si Diokno then sunod-sunod na. At magresign ka na din kasi puro palpak na ang nangyayari sa bansa. Tse!

Yamot sa Incompetent,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *