Luxury ba Kamo?

Dear President Duterte,

Balita ko inaway mo na naman po si CJ Sereno. Resibo.

Wow, Luxury!  Big word. Kung halimbawa mang sa taong bayan yan, hindi ba kung sakaling magretire sya, hindi naman niya dadalhin yan?  At saka she is the Chief Justice of the Supreme Court, hindi po ba dapat lang bullet proof ang sasakyan niya for her protection? Mahirap na panahon ngayon, ang daming pinapatay. Tapos yung iba para pang laging sabog kung magsalita.

Since pinag uusapan na lang din ang word na luxury. Baka puwedeng pag usapan na rin natin ang mga junket niyo po dati. Eto po talaga klarong luxury. Resibo.

Please take note po na ang perang nagastos niyo po dito ay hindi na po mababalik sa gobyerno. Dami niyo kasing akay-akay na tsuwariwariwap eh. Hindi pa po dito kasama ang last 4 travel niyo po. Pero ang total P386,162,631.35 na.  Sa halagang yan, hindi din kasama ang halos weekly na uwi niyo sa Davao using private jet.

Ang point ko lang if you call out government official of being luxurious, dapat mag self check muna kayo. Kasi if you think about it that P386,162,631.35, amount na ginastos mo with your tsuwariwariwap maraming project na sana ang magagawa niyan kung naging prudent lang kayo paggastos sa pera ng bayan.

Lahat ng taong sa tingin niyo sagabal sa inyong pagiging diktador inaakusahan niyo. Wag ganun po. Ayusin na lang ang trabaho sana.

Yamot sa Laging Sabog,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *