Lumiliit Ang Mundo Ni Duterte

Dear President Duterte,

Di ba may existing ka na kaso sa ICC? Well ngayon may another bad news ako.

Gumawa na ng draft resolution ang Iceland to the United Nations Human Rights Council (UNHRC) against the Philippine government’s campaign against illegal drugs.

 

 

Pag naapprove eto ng UNHRC, magkakaroon ng comprehensive investigation at makikita ng buong mundo ang patayan dito sa bansa natin.

 

And please huwag mo itong maliitin kasi maraming European countries ang sinusuportahan ito.

“Kasi your violent war on drugs has led to at least 6,000 suspected drug personalities killed in police operations while human rights groups pegged the number to reach more than 20,000 to include those killed vigilante-style.”

Tapos wala pang pinipili. Kahit walang kamuwang-muwang na bata dinamay niyo pa.

 

 

Sa tingin mo yung comprehensive report ng UNHRC kung saka-sakali magiging  big factor kaya sa kaso mo sa ICC?

Hmmmm.

Mag-aabang ng Approval,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *