Lumaban, Tinakot, Bumawi

Dear Mr. Taguba,

Naiintindihan ko po ang pag atras niyo. Maaring nakita niyo ang kawalan ng hustisya during the Blue Ribbon Committee hearing. Kahit naman ako kung ganun ang pambalahura ni Senator Gordon sa inyo at dinamay pa pamilya niyo, mawawalan din ako ng pag-asa. Pasensya na, Kuya. Mukha kasing mas mahalaga kay Sotto at Gordon ang pag protekta sa kay Pulong Duterte kaysa paghanap sa katotohanan. Maaari din natakot kayo para sa kapakanan ng pamilya niyo po.

Pero nailabas niyo na po ang mga ebidensya.

Nasa record na ng Senado ang lahat. Alam na ng taong bayan kung sino ang demonyo sa gitna ng mga big-time druglords. Sana po sa susunod na hearing, mahanap niyo po uli ang katapangan niyo. Nasa panig po kayo ng katotohanan, nasa likod niyo po ang taong bayan.

Kakampi ng Katotohanan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *