Pinoy Ako Blog is Under Attack, Again!

Dear Readers and Followers,

Almost 7 months na si PAB, and malapit na tayong mag 45k. Parang kailan lang nung nagsisimula palang tayo hanggang dumami ng dumami. Sabay sabay tayong nainis, umiyak at tumawa.

Hindi nyo lang alam kung gaano niyo ako napapasaya sa mga comments and words of encouragement niyo. Madami na din tayong naipagtanggol. Si PAB ang naging boses ng mga taong nawalan ng boses dahil sa takot. Tayo ang naging boses ng katotohanan. Nilabanan natin ang fake news in our own little way.

Ngayon may pagsubok na namang dumatin. Napansin nyo po ba na may pagbabago?  Parang hindi nyo na nakikita sa news feed si PAB? Kasi we are under attacked, again!

Orchestrated reporting ang ginagawa ng mga Brand X, kaya nilimitahan ng Facebook muna sa newsfeed si PAB pending investigation.

Sumulat na ako ng appeal sa FB kanina. Sinabi ko doon na hindi tayo fake news at ang mission ni PAB ay labanan ang kasinungalingan at ihayag ang katotohanan. Hindi niyo makikita si PAB sa newsfeed niyo until July 20, pero if maliwanagan ang FB baka mapagbigyan tayo na alisin na ang suspension ng mas maaga.

So for now kung gusto nyong mabasa ang mga post ni PAB, sasadyain niyo talaga sa FB page kasi nga suspended sa news feed niyo temporarily si PAB.  Everyday naman nagpopost ako ng iba’t ibang isyu na nangyayari sa bansa natin at wag kayong mag alala kasi kahit free data mababasa niyo pa din ang post. Pasalamat tayo at hindi tayo naunpublished. Kaya tuloy lang ang laban.

Sa inyo ko pinapaubaya ang pagbasa at pagshare ng mga post ni PAB sa mga profile or groups nyo.

Sama sama nating labanan ang kasinungalingan. Pagsubok to sa page natin. Gusto nila tayong patahimikin pero hindi tayo magpapatalo. Laban to para sa katotohanan, laban to para sa ating kinabukasan..

Mabuhay ang Pilipinong mulat!

Sugatan ngunit Patuloy na Lumalaban,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *