Luh, Hindi Sa Iyo Yan

Dear President Duterte,

Sabi ng alalay niyo kaya daw niyo hindi na pinapapasok si Pia Ranada kasi parang bahay niyo daw yang Malacañang.

Luh, hindi po sa yo yan. Sa taong bayan po yan. Pinatira lang kayo diyan panandalian lang. Mali na naman comparison niyo.

Laki ng takot niyo sa maliit na babae no? Tapos sabi ng tsuwariwap niyo kaya niyo ginawa kasi sa order ng SEC.

Alam naman natin na hindi final and executory yun. Daming palusot. Tapos ngayon sabi niyo baka CIA funded. Nyek, wag kasing sobrahan ang patches ng fentanyl.

Wag din po kayong manood ng mga TV series na may conspiracy theories. Kung ano-ano pumapasok sa isip niyo eh.

Yun pala nabwiset lang kayo.

Luh, pikon ka no? Kung ayaw mong mapuna, gumawa ka ng tama.

Kami nga rin nabibwiset na. The feeling is mutual po.

Bahay niya daw, wala namang titulo, tse!

Yamot sa Diktador,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *