Luh, Ginawa na niyang Hobby

Dear Secretary Martin Andanar,

Hindi ko po alam kung bakit niyo po tinotolerate ang pagiging sinungaling ni Ate Mocha. Ano po ba ang pinakain niya sa inyo?

Kahapon po nag post sya na may mga offshore bank account si Trillanes.

Hindi naman po totoo. Check this,

Meron daw sa HSBC pero ang account number 13 digits only to find out 9 digits lang ang HSBC account number.

Eto po ang isa sa New Zealand daw.

BSB po ay 6 digit, account number po ay 9 digit lang sa NZ. Paano naging 14 digits?  Halatang imbento pero hinahayaan mo lang po. Her work represents your office as a whole.

Then hindi pa nakuntento, nagpost uli si Ate Mocha.

Luh, hindi naman yan si Pulong. Mataba kaya si Pulong. Kinuha niya yan sa google oh. Eto po ang original pic.

You and your office are purveyor of fake News.  Dahil hindi mo sya kayang sawayin, ibig sabihin she have a permission from you to post those fake news.

Bakit ba takot kang pagalitan or sawayin man lang si Mocha?  Magaling ka lang yata magmanage sa OJT eh. I’m not telling you to harass Ate Mocha, all I am saying bigyan mo siya ng parusa or better yet fire her. Puro na lang peke ang pinag gagawa.

Tubuan sana ng korikong ang taga kalat ng fake news. Doon sana sa part na hindi kayang abutin pagkamot. Para mas matinding parusa.

Yamot sa Kambal Fake News,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *