Lubog Na Tayo Sa Utang, Wala Pa Ring Planong Mass Testing?

Dear KaPAB,

Ilan ba ang hiningi na pondo sa emergency powers ni Duterte? Di ba 275 billion?

Inaasahan natin na magagastos ng tama ang pondo. Yung binili nilang PPE galing China sobrang mahal.

Si VP Leni Robredo, nakabili ng 400-1000 pesos worth na complete set na PPE. 270% increase ang presyo nila.

2 months tayong naka quarantine. Maraming nagutom at nawalan ng hanapbuhay. May emergency powers si Duterte, akala natin mag mass testing na kasi that’s the only way to flatten the curve.

Tapos eto ang mababasa mo. According to DOLE, employers should shoulder the cost of COVID-19 prevention and control measures, including testing.

Pinasa na naman ang responsibilidad sa private sector. Naka Modified Enhanced Community Quarantine na tayo Mula noong May 16. Ang latest number ay umabot na tayo ng 12,000 cases.

Tapos malalaman mo na walang plano pa pala ang gobyerno? Sa 2 months na naka quarantine ang mga tao, ano ang ginawa Ni Duterte sa pera na nasa kamay niya? Aside sa 275 billion from emergency funds, meron pa tayong mga inutang.

Meron pang mga donation galing sa ibang bansa.

Lubog na tayo sa utang, tapos walang plano sa mass testing?

Anong ginagawa ng Presidente? Samantala si VP Leni Robredo araw-araw nag-iisip kung paano makatulong sa bansa sa limitado niyang pondo.

Tapos si Duterte with billions at his disposal, walang plano sa mass testing?

Gaano ka incompetent ang gobyernong Ito? So since walang mass testing, tayo-tayo na lang bahala sa sarili natin, ganun?

Hay naku Pilipinas.

Yamot Sa Incompetent,

PAB

Facebook Comments