LTFRB, Uber sa Pahirap sa Taong-Bayan

Dear LTFRB,

Wala talaga kayong awa sa mga commuters no? Palpak na nga ang MRT tapos sobrang traffic pa, ngayon naman tuluyan niyo namang sinuspinde ang UBER?

Nagbayad na sila ng 5 million di ba?  Bakit yung mga taxi ba ni Bong Suntay na BFF ni President Duterte ay may pooling OR share ride?

Bong Suntay

Doon nakakatipid ang mga commuters. Naranasan niyo na bang tanggihan ng ilang beses ng mga taxi drivers?  Or ibyahe sa mas mahabang ruta para mas mahal ang metro?

Anak naman ng tipaklong, bagsak na ang ekonomiya tapos sumasabay pa kayo sa pahirap sa taong bayan! Naisip niyo ba kung paano kakain ang mga pamilya ng mga driver na yan?  Or kung paano sila makakabayad sa hinuhulugan nilang sasakyan?  Matinong naghahanapbuhay ang mga taong yan para sa pamilya nila, tapos papatigilin niyo?

Mga wala kayong puso!  Walang konsensya.

Galit sa mga Walang Konsensya,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *