LTFRB, Ginto Ang Bond Paper Niyo?

Dear LTFRB,

Ok lang kayo? Alam niyo naman na hirap na hirap ang mga driver natin sa taas ng bilihin, tapos gagawin niyo ‘to?

 

 

Sa isang bond paper sinisingil niyo sila ng P610? Huy maawa naman kayo sa mga tao.  Ginto ang papel? O baka naman ang ink?

Yung supply niyo na ink at bond paper ay may pondo yan galing sa laban ng bayan. Tapos sisingilin niyo sila ng ubod ng mahal sa supply na binayaran ng buwis nila? Huy, sobra naman kayo.

Konting awa naman diyan. Yung P610, malaking bagay na yan sa kanila. Hindi niyo na naisip ang kalagayan nila.

 

Yamot sa Mga Mapagsamantala,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *