Love Story ni Duterte at China

Dear President Duterte,

Hindi ko alam kung ano ang pinakain sa inyo ng China at kahit sa kapahamakan dinadala mo ang bayan natin.

 

Mas mababa ang interest ng pautang sa Japan, pero doon ka talaga sa China para ilibing ang bansa sa utang no? Para saan sa infra projects?  Hindi ka ba nagbabasa? Ganitong klaseng mga project ang kapalit ng sobrang taas na interest?

Sinakop na ang teritoryo natin, nagtayo na ng military base, kinawawa na mga mangingisda natin, tapos eto lang ang ginagawa niyo?

Ano yang “quietly protesting”? Pinagloloko niyo ba kami? Kung makapag mura ka nga, wagas tapos sa China, silent protest? Luh, grabe siya.

Dalawang beses na nagpabalik-balik ang eroplano sa Davao, normal pa din sa tingin niyo?

Tapos ngayon may barko pa, deadma pa din, Ser?

 

Hindi niyo man lang tatanungin kung bakit may surveillance ship ng China sa karagatan natin? Huy gaano pa kalaki ang love mo sa China?

 

Daig mo pang ginayumang pusa. Grabe siya! Pilipinas naman po ang pahalagahan niyo. Walandyo, kulang na lang halikan niyo ang paa ni XI Jinping ha.

 

Galit sa Traydor,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *