Misinterpretation o Kasinungalingan?

Kung natatandaan nyo po, bago umalis papuntang Russia si Duterte, sabi niya tinakot daw tayo ng Presidente ng China pag iinsist natin ang decision ng International Court sa West Philippines Sea ay magkakaroon daw ng war,  kaya daw wala na syang magawa.

Sa international community ang hamunin ang isang bansa ng giyera is a sign of disrespect. Si Pnoy dati harapan nakipaglaban sa legal na paraan pero kailanman hindi hinamon ng China ng giyera.

After ng declaration ni Duterte, agad umaksyon ang mga senador na dapat magfile ng diplomatic protest ang DFA, kauupo palang ni Cayetano, eto na sana ang panahon nya para ipakita ang galing nya. Pero sa kasamaang palad, bahag din pala ang buntot.

Sabi ni Cayetano misinterpretation lang daw ang nangyari.

Sa dami ng palpak na pangako ni Duterte, mapapaisip ka kung misinterpretation nga ba OR baka KASINUNGALINGAN na para majustify lang ang pagbenta sa ating teritoryo.

Kawawang Pinoy, ang pagbabago ay naging PANGGAGAGO.

Sawa na sa Kasinungalingan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *