Liway: A Movie Review

Dear KaPAB,

Kagabi nanood kami ng Liway kasama ng fiance ko at ilang mga kaibigan.

Sobrang ganda ng pelikula. Yung setting ng pelikula ay panahon ng Martial Law, sa Camp Delgado kung saan nakakulong ang mga kriminal at political prisoners.

Umikot ang istorya sa pamilya ni Liway, pinakita kung gaano kahirap ang buhay sa kulungan noong panahon ng Martial Law.  Lumaki sa kulungan ang anak nilang si Malaya at Dakip.

Pinakita din kung gaano kahirap pero kailangan mong mamili kung alin ang mahalaga, ang kinabukasan ng anak mo or ang pinaglalaban mo.

Pinakita sa pelikula ang puso ng isang inang palaban. Bawat eksena tumatatak sa puso ng bawat manonood. Ang mga linyang ganito,

“Hindi kailan man dapat ikahiya ng isang tao na ipinaglaban niya ang kanyang karapatan.”
— Liway, #Cinemalaya2018

ang mga linyang may kurot.

The film is so intimate na feeling mo bahagi ka ng istorya. Bawat tawa, bawat takot, bawat iyak ay ramdam mo sa puso mo talaga.

Glaiza de Castro as Kumander Liway is perfect. Sa bawat binabatong linya at matang nangungusap ay ramdam mo talaga.

Hindi siya ganoon kabayolenteng pelikula pero alam mo sa puso mo, na ang daming maling nagawa noong panahon ng Martial Law. Madaming buhay ang nasakripisyo para lang makamit ang kalayaan natin ngayon.

This is a true story, nang pakikipaglaban, pagtitiis at pagiging matapang sa gitna ng pagsubok.

 

 

Magaling ang pagka direk ni Kip Oebanda. Makakarelate lahat. Martial law o Millennial baby ka man, tatagos sa puso mo ang kwento. Kung mahal mo ang Pilipinas at kasaysayan nito, magugustuhan mo talaga ang pelikula.

First time kung nakapanood na halos 7 minutes ang standing ovation ang mga moviegoers. At sa sobrang emotion ng mga nanonood, nagkaroon ng mini rally sa sinehan.

Habang pumapalakpak nagsisigawan ang mga tao, “Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban” , “Marcos, Hitler, Diktador, Tuta”, “Never Again, Never Again, to Martial Law.

Ganoon kalakas ang impact ng pelikula.

Manood kayo hanggang sa end part kasi may surprise twist na mas lalo niyong mamahalin ang pelikula. Sulit ang bayad, promise!

 

Pilipinong Mulat,

PAB

P.S. Eto po ang mga schedule showing ng Liway.

LIWAY

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *