Limot na ang Batas, Limot na ang Hustisya

Dear Dilawan, DDS and Neutral,

Hindi ko alam kung nabasa niyo how DOJ downgraded the case of Superintendent Marvin Marcos from murder to homicide.

12000 deaths patuloy pa din ang droga. Ang namamatay puro lang mahihirap. Si Peter Lim, malaya pa ding nakakalaya sa Cebu.

Nandun na ako, kung halimbawa pusher nga si Espinosa, pero nakakulong na sya, bakit kailangan patayin? Sana ginamit na lang sya para makakuha pa ng ibang information sa ibang drug lord. Bakit pinatay siya?

Tapos ngayon,  nadowngrade pa to homicide para makapiyansa. Nabasa ko na ang isang element ng murder ay with treachery, taking advantage of superior strength, with the aid or armed men, or employing means to weaken the defense or of means or persons to insure or afford impunity.

Sa pagpatay kay Espinosa alam natin na patraydor kasi sabi nila magseserve ng warrant, paano mo aarestuhin ang isang taong nakakulong na. Pasok ang treachery. Madami silang pumunta, 18 of them. Pasok sila with the aid of Armed men.

The decision of DOJ is contrary to the Senate probe’s findings that the cops should be charged with murder.

Ngayon naghuhugas kamay si Wiguirre, kesyo hindi sya ang sumulat at hindi sya ang pumirma. Kung wala silang ginawang mali bakit sila naghuhugas kamay? Hindi nga sya ang pumirma pero ang Undersecretary naman niya gumawa. Maniniwala ba tayo, na walang alam si Aguirre?

Siguro sasabihin nyo OK lang kasi addict at pusher naman.  Pero paano magkakaroon ng katarungan yung mga mistaken identity tulad nila? Paano nila ipaglalaban ang hustisya kung alam nila na mapapalaya din ang may sala at puwede silang balikan?

Sa administrasyon ni Duterte, binabaluktot ang batas, pinipiringan ang hustisya.

Naaawa sa Bayan ko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *