Limitado Ang Alam ni Duterte sa Ekonomiya

Dear President Duterte,

Nakakaloka ka! Pinatunayan mo talaga na limitado ang alam mo sa ekonomiya no? Mali-mali ang mga pahayag mo eh.

Una umaaray ka sa pagtaas ng interest rate, pero hindi mo ba naisip na talagang kailangan gawin yan ng BSP kasi nga hong taas na ng inflation rate dahil sa sinalaksak mo sa amin na TRAIN law?

Pangalawa, sabi mo theoretically pag mataas ang interest rate, humihina ang peso. Nyek, mali ka na naman. Kyah, higher interest rates helps induce capital inflows which, in turn, tend to strengthen (rather than weaken) the peso. Pala absent ka siguro dati sa economics no? Kaya hindi mo alam yan.

Pangatlo, sabi mo nakikita mo na ang jueteng ay puwedeng makatulong sa ekonomiya at maaaring makadagdag sa tax revenue sa probinsya. Nyek, mali ka na naman. Una illegal ang jueteng di ba, so outside sya sa scope of taxation so paano sya magiging prime mover ng ekonomiya ng isang probinsya. Luh sya, kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig.

Pang-apat, sinalungat mo ang sinabi mo ang mga the “best and the brightest” na mga economic managers mo, nang sinabi mo na ang ekonomiya is in “doldrums”.  Sabi nila Domingurz revenues in the first quarter of 2018 actually exceeded expectations. So bakit may “doldrums” ka pang nalalaman? Ano ba totoo Kyah?

So ngayon inamin mo na na palpak talaga ang ekonomiya na ikaw ang may gawa?  Hindi ba ikaw din ang nagmadali ng TRAIN law para sa loans na para sa Build, Build, Build mo? So sino sisihin natin? Delawan pa din? Si Pope? Or Simbahang Katoliko?

Kung yang pagmumura mo sa Panginoon, pinag-isipan mo na lang sana kung paano lumago ang ekonomiya, baka matuwa pa kami.

Aral ka uli ng economics, paturo ka kay JC Punongbayan at @AltBBM sa twitter, para magising ka sa katotohanan na lumulubog na ang ekonomiya ng Pilipinas sa kapalpakan mo. Tse!

Yamot sa Palpak,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *