Limang Araw Na, Tahimik Pa Din Si Ser

Dear President Duterte,

Kumusta po? Nabalitaan niyo na po ba nangyari sa ating mangingisda?

 

 

Binangga po sila ng China vessel at iniwang palutang-lutang doon sa karagatan. Limang araw ng nakakalipas ngayon, nakatatlong talumpati na po kayo,pero Wala man lang kayong message sa China, kahit salitang “Tse!”

Yung mga kampon niyo kanya-kanyang twist na oh. Kesyo baka aksidente at di sinadya. Kesyo baka Vietnamese ang bumangga. Tapos ang BFF niyong China eto ang pahayag.

 

Ordinary? Iniwan nila ang mga mangingisda natin para malunod doon. Paano na lang kung hindi sila nasagip?

Ang tapang niyo sa basura ng Canada pero sa mga kababayan natin muntik ng mapahamak ,pipi kayo?

Luh, grabe siya.

 

Yamot sa Traydor,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *