Like Father, Like Son

Dear Vice Mayor Polong Duterte,

Nabasa ko po ang interview niyo po. Sabi sa report :

Iniinis lang daw ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte si Senator Antonio Trillanes IV kaya hindi pa niya ipinapakita sa publiko ang kanyang tattoo.”

Well, sa nangyari po parang kayo po ang naiinis. Kasi lahat ng trolls nagsulputan to defend you. Kung gusto niyo talaga syang inisin that would be the perfect opportunity for you, na makabawi sa ama mo na ilang buwan nang napapahiya dahil sa yo. Sabi niyo pa sa report. 

Hindi kami uto-uto, when the time comes na nahulog na siya at naputol na ang pakpak niya dahil sa taas ng kanyang lipad, ipapakita ko ‘to. sinabihan ko nga yung tattoo artist ko, I also texted baste kasi kaibigan nya yun, not to post my tattoo. Iinisin mo muna yung kalaban hanggang mabiyak yung ulo nila, lalo na ‘tong mga yellowtards. Lalo na yung nasa social media, nabaliw na sa kakasalita. Let them eat the dragon then I will show you my tattoo. not now,” 

My take on this you are buying time. Either ipapabago niyo ang tattoo niyo OR ipapabura niyo po. The President is already suffering because of the allegations  against you. Kung ako ang Tatay at alam kong wala kang kasalanan, uutusan kita agad na maghubad doon sa executive room para matapos na ang isyu at malinis mo ang pangalan ng pamilya mo. 

Then sabi niyo pa,

Mas mukha pa ngang drug addict yung p*t***-i** na may gusto sa akin sa Senado. Kaya lumalabas gumagamit yun to have the confidence to ask questions para maging matapang. Totoo yan, tingnan mo yung mukha,”

Parang hindi naman. Sa picture na to parang hindi naman si Senator Trillanes ang mukhang addict.

Binastos niyo rin pala si Karen Davila

Karen Davila? yung nangungugat? ganito nalang, I urged Karen Davila na ipapakita ko sa kanya yung tattoo, pero kaming dalawa sa kwarto sa hotel,”

Well hindi na ako magtataka kung bastos po kayo. Yun ang nakikita niyo po sa Tatay niyo eh. Pero sana hindi na to mamana ng mga anak niyo kasi po hindi magandang asal po to. Paano kung may magyaya sa 17 year old mong anak sa hotel para ipakita ang tattoo ng lalake?  Papayag kaya kayo? Di ba mali po? 

Namigay pa kayo ng relo daw kanina. Sabi niyo daw po,

Kunin mo to, ibenta, pag-umabot ng 1.9 million, hati-hatiin nyo media ang pera. pero kapag ‘di tinanggap, ibalik nyo sa akin. Umambisyon lang naman ang mahirap kahit… oh ayan. wag ka mag alala, may isa pa ako,” 

Wow, yamanin. Dalawa po ang relo niyo na ganun kamahal?  I will not make a big deal of your expensive watch.  Big deal lang yan kung galing sa masama ang pinambili. 

May tanong po pala ako. Nakita ko po sa FB. In this picture you were with sa napapabalitang drug lord. 

Iba iba ang sign ng kamay niyo. May mga meaning pala daw yan. I’m not sure if it’s true. Your hand sign pala means you are the head of the society. 

Oh well,  abangan na lang natin ang susunod  na kabanata. Sir Polong kung magpapabago or magpapabura kayo sa tattoo niyo, ingat po kayo sa allergic reaction ha. 

Ang gaba ra ba, di magsaba. 

Naghihintay ng mga Gagabaan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *