Liham ng isang DDS

Dear DDS,

Isang dati niyong kasamahan ang sumulat kay PAB. Sobrang respeto ko sa kanya, kasi hindi sya blind follower. At naaawa din ako kasi isa syang ina na nangangamba para sa anak niya.

Eto ang laman ng sulat :

“Sobra-sobra akong nalulungkot. Sobra-sobra akong nagagalit ngaun. Naiiyak ako sa huling post mo tungkol sa mga kabataan napatay dahil sa war on drugs. Isa ako sa bumoto ke duterte. Isa sa napaniwala nya sa pagbabagong pinangako nya. Sobrang tanga ko. Sobrang sakit sa kin ngaun makta ang mga namamatay na kabataan at bata na nadadamay sa war on drugs. Dahil kung naging matalino lang sana ko sa pgboto ko hndi sna naging ganito. Natatakot ako para sa pamilya ko sa pinas. Pero akoy natutuwa at nandyan ang isang katulad mo para gisingin ang mga kamalayan ng mga pilipino. Sana matapos n ang bangungot na ito sa bayan natin. At sa susunod na botohan magiging matalino na ko hindi na ako maniniwla agad sa social media. God bless you PAB.”

Hindi nakakahiyang umamin ng pagkakamali, ang importante narealize ito. Wag kayong matakot umamin na nagkamali. Ang loyalty dapat nasa kapakanan ng bansa natin. Hindi iisang tao. Mag away-away man tayo sa social media, sa puso natin pare pareho ang laman, “Pagmamahal sa Inang Bayan ”

DDS man o Dilawan or nasa gitna, wag matakot magsalita kung may makitang mali. Tayo mismo ang makakaahon sa dusa na kinakasadlakan natin.

Nagmamahal sa Bayan,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *