Libreng History Lesson Para Kay Suspended Lawyer

Dear Suspended Lawyer Trixie Angeles,

Hindi ko alam kung matatawa or maaawa ako sa yo sa hirit mo kay Atty. Florin Hilbay. Resibo.

Well tama ka naman sa definition mo sa dictatorship. Pero sasagutin  lang ang mga tanong mo ha. Nakakahiya kasi lawyer ka pa naman kahit suspended ka.

First sa tanong kung paano naging dictator si PPRD?

Marahil nandiyan pa ang Supreme, pero alam naman natin na number game ang SC. This is the same SC ang bumuto na tamang ilibing ang MAGNANAKAW sa Libingan ng mga Bayani at the same SC ang bumoto sa extension ng Martial Law sa Mindanao. Lahat ng yan ay kapritso ni Duterte.

Oo may legislative branch pa. Pero may separation of power nga ba? Hindi ba si Speaker Alvarez at Senate President Pimentel ay sunod sunuran din sa mga kapritso ni Duterte?

At puwede ba magbasa ka ng news at wag lang mga fake news website. Mismo ang poon mo ang nagsabi na DIKTADOR siya. Resibo.

Wag kasing tamad magbasa para hindi, tanong ng tanong tapos mapapahiya.

PCOO ka pa naman empleyado at pasweldo ng taong bayan. Pero puro ka DISINFORMATION at MISINFORMATION or sa madaling sabi FAKE news ka!

Sabi mo binuwag ni Cory ang Saligang Batas, pero hindi mo pinaliwanag bakit kailangan gawin yun.

Eto ha libreng history lesson ha, pansin ko kasi absent ka ng tinuro to sa school.

Sa pag upo ni Corazon C. Aquino bilang pangulo ng bansa noong 1986, pinawalang-bisa niya ang Saligang Batas ng 1973. Pinalitan niya ito pansamantala ng isang ‘Freedom Constitution’. Layunin nitong mapanumbalik kaagad ang demokrasya sa bansa habang hindi pa naisusulat ang bagong saligang batas – ang Saligang Batas ng 198″

Hindi mo man lang sinabi kung bakit kailangan buwagin yan at kung ilang araw lang. 111 days ginawa ang bagong constitution at hindi mo binanggit ang mga mahahalagang probisyon kung saan ang tulad niyo ni Mocha na mahilig sa fake news ay nakikinabang ngayon. Eto ha karagdagang kaalaman.

Mga Natatanging Prohibisyon:

Pinakamahaba ang Saligang Batas ng 1987 sa lahat ng naging konstitusyon ng Pilipinas. Ang dahilan nito ay ang pagsama ng mga probisyong tulad ng impeachment at presidential succession, pagkakaroon ng party-list representatives, pagbabawal sa di-makataong pagparusa sa mga bilanggo, tungkol sa pagdedeklara ng batas militar, pagsususpinde ng karapatang habeas corpus, at ang pagtatatag ng Komisyong Pantao at ARMM.

Bakit hindi mo binanggit na

“Cory Aquino renounced the dictatorial powers that she had inherited from President Ferdinand E. Marcos and returned the Philippines to the rule of law, replacing the Marcos constitution with a democratic, progressive document that won overwhelming popular approval in a nationwide plebiscite, and scheduling national legislative and local elections.”

Ang hirap sa yo, ang hilig mong kumuda pero hindi naman nagbabasa.

Atty. Florin Hilbay is a bar topnotcher at pinaglaban ang teritoryo ng bansa sa Hague.

Ikaw, bakit ka nasuspended?

Hindi na ako nagtataka kung bakit ganyan si Mocha, ikaw nga na staff niya at nag susupervise sa post niya, ganyan din na nag aral pa ng law, how much more si Mocha na hindi naman ganun ang kaalaman sa batas?

Kaya ka nasususpended eh, sinungaling ka eh.

Hmp. Libreng lesson na yan sa history.

Self-Appointed Tutor sa PCOO,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *